Ngiting tila walang katapusan...
Mula sa labing pulahan...
Halakhak na walang humpay...
Kasuotang sadyang magara't makulay...
Sa iba'y nagbibigay saya...
Minsan pa'y pampawi ng luha...
Sa isang banda, nagawa mo na bang silipin ang kanyang mga mata?
Malamlam... Malungkot... Pagod...
Pilit humuhugot ng kagaangan ng loob mula sa mga nanunuod sa buhay na entablado...
Sa kabila ng liwanag na sa iyo'y nakatuon, ang mga anino'y nagtatanong...
Ikaw ba'y ako?