Wednesday, September 10, 2008

"Payaso"

Ngiting tila walang katapusan...
Mula sa labing pulahan...
Halakhak na walang humpay...
Kasuotang sadyang magara't makulay...
Sa iba'y nagbibigay saya...
Minsan pa'y pampawi ng luha...

Sa isang banda, nagawa mo na bang silipin ang kanyang mga mata?
Malamlam... Malungkot... Pagod...
Pilit humuhugot ng kagaangan ng loob mula sa mga nanunuod sa buhay na entablado...
Sa kabila ng liwanag na sa iyo'y nakatuon, ang mga anino'y nagtatanong...
Ikaw ba'y ako?

buhay manggagawa

Pagal na katawan...
Ngatog na tuhod...
Maghapong trabaho...
Karampot na sahod...
Sapat lamang pambuhay ng pamilya...
Sa mahal ng bilihi'y kinakapos pa...
Madaling araw na'y ngayon pa lamang uuwi...
Sa pagtulog, lakas sana'y mabawi...
Pagdating ng bahay aking dadatnan, pamilyang duo'y nananahan...
Sa puntong ito, aking napagtanto, salamat po Diyos ko't ako'y may trabaho...
Kitang maliit mabuti na sa wala...
Kesa maramdaman kalam ng sikmura...
Inyo pong gabayan abang manggagawa...
Nasa 'kin ang gawa bigyan nyo po ng biyaya...