Tuesday, October 16, 2007

Sining

Ako ang ligaya...
Ako ang hinaing...
Ako ang sakit, sakit na minsa'y ikinukubli ng makulay at maaliwalas na dibuho...
Ako ang pait...
Ako ang katotohanan...
Ako ang nag-aalab na damdaming walang dahas...
Ako ang pangarap...
Ako ang pag-ibig...
Ako ang pag-asa...
Ako ang katuparan... halina, dadalhin kita sa aking daigdig...
Ang mundo ng minsa'y dilim na nagbibigay ng liwanag...
At minsa'y liwanag na nagkukubli ng dilim... halina kilalanin mo ako...

senti

Sa pag-alala ng kapanganakan, iniluwal ang hapding bumabalot sa kalamnan ng buong pagkatao... Nais pumalahaw ngunit hindi maisatinig. Nakapanlulumo... Bakas sa malamlam na mga mata ang aninag ng mapusyaw na liwanag ng ligaya at pagasa.