Monday, August 27, 2007

panimula

Naranasan mo na ba 'yung pakiramdam na parang walang maka-relate sa iyo? O kaya naman, hindi kayo mag-connect nung kausap mo? Hindi ka niya maintindihan? Minsan feeling mo, hindi ka marunong magpaliwanag, gayung napaka-simple lang naman 'yung pinaghuhuntahan nyo... o di kaya, isang simpleng... wala lang... hindi nya trip 'yung idea, topic, litanya, hindi siya interasado, or worst... hindi ka niya gustong kausap!

Ano nga ba ang "conversation"? Sabi sa aming paaralan, sa maskom, para maging effective ang communication... dapat raw two (2) way... pano kung ikaw lang? Kasi nga walang gustong kumausap sa 'yo? Pwede rin di ba? At ano ba ang dapat pinag-uusapan at sino ba ang dapat mong kausapin? Dapat bang me partikular na tao o grupo kang lalapitan para sa partikular na topic? Pano kung 'yung mga inaasahan mong mga grupo o tao e sawa na marinig mga litanya mo... Usapin ba ito ng kung sino o ano ang mababaw? Or do we really belong?

Siguro lahat tayo, minsan sa buhay natin, naranasan na ang ganitong pakiramdam. Sa araw na ito... nais ko na makipag-usap sa iyo... sa pamamagitan ng aking sining; mga panulat, tula, mga guhit at paintings... nasa sa iyo kung makaka-relate ka, feel free to comment... pwede ring hindi... walang mababaw... walang malalim... gusto ko lang makipag-usap.

No comments: