Marami akong agam-agam sa pagpipinta ng mural, bukod sa mahirap itong gawin, natatakot akong dumating ang panahon na pagsasawaan ito at buburahin na lamang ng may-ari ng bahay o may-ari nung pader.
Mataas ang respeto ko sa paggawa ng sining, lahat ay pinaghihirapan, pinagbubuhusan ng oras, pawis at talento. Ang totoo, alam kong hindi ako si Michaelangelo o si Leonardo para i-preserve ng ibang tao ang aking gawa sa mahabang panahon.
Hindi man tayo sigurado kung magtatagal nga sa pader nila ang ating obra, sa dokumentasyon mananatili ang ating pinaghirapan at ang alaala... Salamat sa pagkakataon... At maraming salamat sa pagtitiwala.